Magtutulungan ang Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus at Department of Migrant Workers (DMW) upang mailapit sa mga magsisipagtapos ang mga oportunidad at serbisyong makatutulong sa kanilang paghahanda para sa paghahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa, Agosto 13.

Kaugnay nito, dumalaw sa pamantasan sina Dr. Laila Ruth Taguinod at Atty. Jozele Mariz Dalupang-Taguba mula sa DMW at nakipagpulong kay Prof. Marisol S. Foronda, Cluster Executive Officer ng ISU Cauayan, bilang bahagi ng paghahanda para sa isasagawang aktibidad sa ika-10 ng Setyembre.

Kabilang sa mga serbisyong ihahatid ang pagkakataong makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa, gabay sa on-site application, tulong sa DMW e-Registration, Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS), at Anti-Illegal Recruitment Orientation.

Magkakaroon din ng libreng serbisyo at konsultasyon mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mabigyan ang mga magsisipagtapos ng impormasyon hinggil sa kanilang mga susunod na hakbang sa paghahanap ng trabaho.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ISU-Cauayan at DMW, layunin ng aktibidad na mailapit sa mga magsisipagtapos ang mga lehitimong pagkakataon sa pagtatrabaho at mahahalagang serbisyo ng pamahalaan bilang paghahanda sa kanilang mga napiling propesyon.

#OneTeamBamboo | #BrightISU | #OneISU | #ISUlong | #ISUEducation | #TatakISU | #ISUAcademicExcellence | #ISUResearchExcellence | #ISUQualityAndRelevance | #ISU4Innovation

Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph