Ipinagkaloob ng Commission on Higher Education (CHED) Regional Office II ang Certificate of Program Compliance (COPC) sa Bachelor of Science in Agriculture (BS Agriculture) ng Pamantasang Pampamahalaan ng Isabela โ€“ Cauayan Kampus.

Ang pagkakaloob ng COPC ay nagpapatunay na nakasunod ang programang BS Agriculture sa mga pamantayan at kinakailangang rekisito na itinakda ng CHED para sa pagpapatupad nito. Ipinakikita rin nito ang patuloy na pagsisikap ng ISU Cauayan na mapanatili ang kalidad ng programang pang-akademiko at maihanda ang mga mag-aaral para sa larangan ng agrikultura.

Dumalo sa pagkakaloob ng COPC sina Prof. Liezl Joy L. Quilang, PhD, Director for Academic Affairs; Assoc. Prof. Ryan P. Salviejo, Director for Public Relations, External Linkages, and International Affairs; at Asst. Prof. Isaias Dela Peรฑa, PhD, faculty member ng Institute of Agricultural Technology.

Saklaw ng COPC ang tatlong major ng BS Agriculture, kabilang ang Horticulture, Agronomy, at Animal Science. Ang mga espesyalisasyong ito ay nakatuon sa paghubog ng mga mag-aaral na may kaalaman at kasanayan sa crop production, pamamahala ng pananim, at animal science, na mahalaga sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.

Sa pagkakamit ng COPC, patuloy na pinagtitibay ng ISU Cauayan ang pagsunod nito sa mga pamantayan ng CHED at ang layunin nitong makapaghatid ng dekalidad, angkop, at tumutugon na edukasyong pang-agrikultura para sa mga mag-aaral at sa pangangailangan ng rehiyon.

#OneTeamBamboo | #BrightISU | #OneISU | #ISUlong | #ISUEducation | #TatakISU | #ISUAcademicExcellence | #ISUResearchExcellence | #ISUQualityAndRelevance | #ISU4Innovation

Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph