Ipinamalas ng mga mag-aaral ng Pamantasang Pampamahalaan ng Isabela โ Kampus ng Cauayan ang kanilang husay sa pagsulat at malikhaing komunikasyon sa isinagawang mga patimpalak bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN 2026, Agosto 20.
Kabilang sa mga tampok na gawain ang Pagsulat ng Sanaysay sa Ingles at Filipino, Paglikha ng Digital na Islogan, at Paglikha ng Infographics, na nakasentro sa tema ng ASEAN 2026 Philippine Chairship na โNavigating Our Future, Together.โ
Sa paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, hinamon ang mga kalahok na suriin at talakayin ang mga hamon, oportunidad, at pananagutan ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng ASEAN. Pinahintulutan ang mga kalahok na ituon ang kanilang mga sanaysay sa tatlong pangunahing prayoridad ng Philippine Chairship: Peace and Security Anchors, Prosperity Corridors, at People Empowerment.
Samantala, nakatuon ang Digital na Islogan sa malikhaing paggamit ng wika at teknolohiya upang maipahayag sa maikli at madaling tandaan na paraan ang mga mithiin ng ASEAN. Hinamon naman ng Infographics ang mga kalahok na pagsamahin ang wastong impormasyon, malikhaing disenyo, at mabisang komunikasyong biswal upang higit na maunawaan ang mahahalagang usapin at prayoridad ng ASEAN.
Isinagawa ang mga patimpalak sa dalawang kategorya, Ingles at Filipino, upang mabigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong gamitin ang kanilang kasanayan sa iba’t ibang anyo ng pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, naiuugnay ang pagdiriwang ng ASEAN sa pagpapaunlad ng kasanayan sa wika, kritikal na pag-iisip, pagkamalikhain, at digital na komunikasyon.
Ang mga gawain ay bahagi ng mas malawak na pagdiriwang ng ASEAN 2026 sa ISU Cauayan, na naglalayong palalimin ang kamalayan ng pamayanang pang-akademiko sa papel ng ASEAN sa pagtataguyod ng kapayapaan, sama-samang kaunlaran, at pagpapalakas sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong gawaing akademiko at malikhaing pagpapahayag, binibigyan ng pagkakataon ang kabataan na hindi lamang matuto tungkol sa ASEAN kundi maging aktibong bahagi ng pagtalakay sa mga usaping humuhubog sa kinabukasan ng rehiyon.
Sa temang โNavigating Our Future, Together,โ nagsisilbing mahalagang espasyo ang mga patimpalak upang maipakita ng mga mag-aaral na ang paglalakbay tungo sa mas mapayapa, maunlad, at inklusibong ASEAN ay nangangailangan ng kaalaman, malikhaing pag-iisip, at sama-samang pagkilos.
—
#OneTeamBamboo | #BrightISU | #OneISU | #ISUlong | #ISUEducation | #TatakISU | #ISUAcademicExcellence | #ISUResearchExcellence | #ISUQualityAndRelevance | #ISU4Innovation
Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng IsabelaโCauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph

