Muling pinatunayan ng STEPS Dance Troupe ng Isabela State University-Cauayan Campus ang husay at talento ng kabataang Cauayeรฑo matapos makamit ang ibaโ€™t ibang pagkilala sa magkahiwalay na gawain na bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan 2026 sa antas panlalawigan.

Sa pagdiriwang na pinangunahan ng Provincial Government of Isabela sa pamamagitan ng Provincial Youth Development Office (PYDO) at Sangguniang Kabataan (SK) Federation, naging finalist ang STEPS Dance Troupe para sa Gov. Rodolfo T. Albano III Gawad Ulirang Kabataan โ€“ Natatanging Youth Organization.

Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang STEPS Dance Troupe para sa kanilang kahanga-hangang talento at galing, pagpupunyagi, at aktibong paglilingkod bilang isang samahan ng mga kabataan.

Samantala, nakamit ng grupo ang ikalawang puwesto sa Jazz Dance Competition, isa sa mga patimpalak ng Buwan ng Kabataan sa antas panlalawigan.

Sa antas panlungsod, itinanghal na kampeon ang STEPS Dance Troupe sa Kabataang Cauayeรฑo Got Talent na ginanap sa F.L. Dy Coliseum noong Agosto 29, 2026.

Sa mga gawaing ito, patuloy na ginagamit ng ISU STEPS Dance Troupe ang sining bilang daluyan ng talento, pakikilahok, at paglilingkod sa pamayanan.

#OneTeamBamboo | #BrightISU | #OneISU | #ISUlong | #ISUEducation | #TatakISU | #ISUAcademicExcellence | #ISUResearchExcellence | #ISUQualityAndRelevance | #ISU4Innovation

Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph