Nakiisa ang Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa 10th RESCOM PA-Wide Simultaneous Blood Donation Activity na isinagawa sa Campus Gymnasium, Agosto 15.

Isinagawa ang aktibidad ng 202nd (Isabela) Community Defense Center, 2nd Regional Community Defense Group, Reserve Command, Philippine Army (RESCOM PA), katuwang ang 202nd Ready Reserve Infantry Battalion, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 43rd RCPA Founding Anniversary.

Lumahok sa blood donation activity ang mga organic personnel, reservists, dependents, ROTC cadets, at iba pang stakeholders, na sama-samang naglaan ng oras at suporta para sa isang gawaing nakatuon sa pagtugon sa pangangailangan sa dugo.

Bilang katuwang ng RESCOM PA, sinuportahan ng ISU-Cauayan ang aktibidad sa pamamagitan ng paglalaan ng campus gymnaisum at mga kinakailangang pasilidad para sa maayos na pagsasagawa ng blood donation drive.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinasabuhay ng ISU-Cauayan ang diwa ng pakikilahok at paglilingkod sa komunidad, habang hinihikayat ang mga miyembro ng pamantasan at mga katuwang nito na makibahagi sa mga gawaing nakatutulong at nakapagliligtas ng buhay.

#OneTeamBamboo | #BrightISU | #OneISU | #ISUlong | #ISUEducation | #TatakISU | #ISUAcademicExcellence | #ISUResearchExcellence | #ISUQualityAndRelevance | #ISU4Innovation

Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph