Nagkaisa ang mga kawani ng Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa pagsusuot ng ASEAN-inspired attire sa isinagawang flag ceremony bilang pakikiisa sa paggunita ng ASEAN Month 2026, Agosto 17.

Bilang bahagi ng pakikiisa ng pamantasan sa paggunita sa ika-59 na anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tumalima ang ISU-Cauayan sa panawagan ng Commission on Higher Education (CHED) Central Office na hikayatin ang mga stakeholder ng higher education sector na makiisa sa mga gawaing nagtatampok sa ASEAN at nagpapalawak ng kamalayan sa kahalagahan nito.

Hindi lamang naging pagpapakita ng suporta ang pagsusuot ng ASEAN attire, kundi nagsilbi rin itong paraan upang mailarawan ang diwa ng pagkakaisa at pakikiisa ng komunidad ng pamantasan sa paggunita sa ASEAN Month.

Bilang tampok na bahagi ng aktibidad, kinilala rin ang mga kawani na nagpakita ng natatanging kasuotang hango sa kultura ng ASEAN. Iginawad kay Gng. Marilyn Subido, Tagapamahala ng Aklatan ng Kampus, ang pagkilala bilang Pinakamahusay na Kasuotang ASEAN โ€“ Kategoryang Babae, habang itinanghal namang Pinakamahusay na Kasuotang ASEAN โ€“ Kategoryang Lalaki si G. Alfredo G. Mateo Jr., guro sa Kolehiyo ng Edukasyon.

Ang paggunita sa ASEAN Month ay alinsunod sa Proclamation No. 282 na nag-amyenda sa Proclamation No. 1008 at nagtatakda sa Agosto bilang ASEAN Month, bilang pagkilala sa pagkakatatag ng ASEAN noong Agosto 8, 1967.

Sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga ganitong gawain, patuloy na ipinakikita ng ISU-Cauayan ang suporta nito sa mga inisyatiba na nagtataguyod ng kamalayan, pagkakaisa, at ugnayan sa loob ng ASEAN community.

#OneTeamBamboo | #BrightISU | #OneISU | #ISUlong | #ISUEducation | #TatakISU | #ISUAcademicExcellence | #ISUResearchExcellence | #ISUQualityAndRelevance | #ISU4Innovation

Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph