Nanguna ang College of Education (CED) sa isinagawang ASEAN Quiz Bee bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng ASEAN sa Pamantasang Pampamahalaan ng Isabela โ€“ Cauayan Kampus, na naglalayong palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa kasaysayan, kultura, pagkakakilanlan, at mga usaping mahalaga sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya, Agosto 19.

Nasungkit ng CED ang unang pwesto sa paligsahan, sinundan ng College of Business and Management (CBM) sa ikalawang pwesto at College of Computing Studies, Information and Communication Technology (CCSICT) sa ikatlong pwesto. Nasa ikaapat na pwesto ang College of Criminal Justice Education (CCJE), habang ikalima ang College of Arts and Sciences (CAS) at ikaanim ang Polytechnic School (PS).

Kinatawan ng limang kalahok ang CED sa quiz bee: sina Haven Ron J. Saet ng BSEd Math 2A, Mac Rainier T. Cagurangan ng BSEd Filipino 3A, Aira Gaile B. Cruz ng BSEd English 2A, Loren L. Cerilo ng BSEd Science 2A, at Abegail Mamauag ng BEEd 1B.

Nagsilbing pagkakataon ang ASEAN Quiz Bee upang higit na maunawaan ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng ASEAN. Sa gitna ng mga usaping kinahaharap ng rehiyon, kabilang ang edukasyon, kalakalan, teknolohiya, kalamidad, pagbabago ng klima, at pagpapaunlad ng kabataan, mahalaga ang pagkakaroon ng mga mag-aaral na may sapat na kaalaman at kamalayan sa mga pangyayari sa loob at labas ng kanilang bansa.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ISU Cauayan sa diwa ng ASEAN at sa pagpapalawak ng kamalayan ng pamayanang akademiko sa mga pagpapahalagang nakaugat sa pagkakaisa, pagkakaiba-iba, at sama-samang pagkilos tungo sa isang mas matatag na rehiyon.

#OneTeamBamboo | #BrightISU | #OneISU | #ISUlong | #ISUEducation | #TatakISU | #ISUAcademicExcellence | #ISUResearchExcellence | #ISUQualityAndRelevance | #ISU4Innovation

Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph