Muling nakiisa ang Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa paggunita ng Buwan ng ASEAN 2026 sa isinagawang seremonya ng pagtataas ng watawat ng Pilipinas, Agosto 24.

Sa nasabing gawain, muling nagsuot ng kasuotang hango sa mga kultura ng ASEAN ang mga kawani ng kampus bilang pagpapakita ng pakikiisa sa paggunita ng pagkakatatag ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (ASEAN) at pagkilala sa kahalagahan ng pagkakaisa at ugnayan ng mga bansa sa rehiyon.

Naging bahagi rin ng paggunita ang paggawad ng mga premyo sa mga kawani na nagwagi sa isinagawang paligsahan sa natatanging kasuotang hango sa kultura ng ASEAN. Iginawad ngayong seremonya ang mga premyo kina Gng. Marilyn Subido, Tagapamahala ng Aklatan ng Kampus, bilang Pinakamahusay na Kasuotang ASEAN sa Kategoryang Babae, at G. Alfredo G. Mateo Jr., guro sa Kolehiyo ng Edukasyon, bilang Pinakamahusay na Kasuotang ASEAN sa Kategoryang Lalaki.

Patuloy na nakikiisa ang ISU-Cauayan sa mga gawaing nagpapalawak ng kamalayan tungkol sa ASEAN at nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagkakaunawaan ng mga bansa sa rehiyon.

#OneTeamBamboo | #BrightISU | #OneISU | #ISUlong | #ISUEducation | #TatakISU | #ISUAcademicExcellence | #ISUResearchExcellence | #ISUQualityAndRelevance | #ISU4Innovation

Alamin pa ang tungkol sa Pamantasang Pampamahalaan ng Isabelaโ€“Cauayan Kampus sa pamamagitan ng pagbisita sa aming opisyal na website: https://isucauayan.edu.ph